Sagot :
Answer:
wag galitin ang mga diyos dahil papahirapan ka nila
Explanation:
Arachne in Tagalog
Sagot:
Si Arachne ay isang dalaga na nakahanap ng pagkakalibangan sa paghahabi. TInuruan niya ang kaniyang sarili na gumamit ng mga tela at habihan. At dahil sa sariling pagsasanay siya ay nakagawa ng mga magaganda at nakakabighaning mga disenyo. Siya ay natuwa sa kanyang kakayahan, naging usap-usapan si Arachne sa lugar nila. May mga pagkakataong pinupuntahan siya ng madaming tao para lang makita siyang humabi.
Kaunting kaalaman sa kwento:
Ang kwentong ito ay isa sa madaming kwento sa Mitolohiyang Griyego
Ang Diyosang Athena ay isa sa mga anak ng hari ng mga Diyos
Maraming bersyon ang istorya ng Arachne at isa na ito sa mga iyon
May isang taong natuwa din sa kanyang paghahabi at sinabing “maaring tinuruan ka mismo ng Diyosang Athena dahil sa galing mong maghabi”. Pilit itinaggi ni Arachne na siya ay tinuruan ng Diyosa at ang angking galing niya’y galing lamang sa sarili. Inisaad pa niya na hindi maaring tinuruan siya ng Diyosa sapagkat ang kanyang paghahabi ay higit na mas magaling kaysa sa kanya.
Sa hindi kalayuan, nagpakita ang Diyosang si Athena. At hinamon si Arachne sa isang duwelo ng paghahabi. Kung sa pagkakataong ang Diyosa ang matalo hindi na siya maghahabi uli, ngunit kung si Arachne naman ang matalo siya ay hindi na hahawak ng habihan at pang-habang buhay na siyang hindi makakapaghabi.
Natalo si Arachne ang kanyang habi ay ni hindi man lang pumantay sa gawa ng Diyosa. Kaya ayon sa napag-usapan si Arachne ay hindi na muling makakahawak ng habihan. Ikinadismaya ito ni Arachne, ngunit sa awa ng Diyosa. Siya ay binigyang pagkakataon para makapaghabing uli, iniba ng Diyosa ang anyo ni Arachne. Siya ay isang ng gagamba na kayang humabi habang buhay.