👤

pa help po pls, basahin muna po yung story

Wastong Pagkain Ang taong malusog, lubhang masayahin, Matalas ang isip at hindi sakitin Katawa'y maganda at hindi patpatin, Pagkat alam niya ang wastong pagkain. Lusog ng katawan nasa kinakain, Ang gulay at prutas,dapat na piliin, Sa dilis at tulya sa puso ng saging, Lalakas ang buto, titibay ang ngipin. Lilinaw ang mata, katawa'y lalaki, Sa sariwang gatas, itlog at kamote, Malunggay at petsay, sa isda at karne, Ang bata't matanda, lulusog bubuti. Sa ating pagkain lagging tatandaan, Mga bitamina nitong tinataglay, Sariwang prutas, isda saka gulay , Lulusog gaganda hahaba ang buhay.






Question: 1.) Batay sa tulang narinig, anu-ano ang mga katangian ng taong malusog?

2.) Ano ang mga pagkaing nagpapalakas ng buto at nagpapatibay ng ngipin

3.) Ano pa ang mga pagkaing nagpapalusog ng pangangatawan?

Last question: 4.) Bakit nasasabing isang kayamanan ang malusog na pangangatawan? ​