👤

Resulta ng layunin ng Circulo Hispano- Filipino

Pasahan na namin ngayon☹️


Sagot :

Ang organisasyong ito ay naglalayong maipahayag nang malaya ang mga paghihirap na dinaranas ng mga Pilipino sa ilalim ng pamumuno ng mga Espanyol. Ito ay binuo ng mga estudyanteng Pilipino na nag-aaral sa Madrid sa pamumuno ni Juan Atayde, kasama ang ilang mga Espanyol na dating nanirahan sa Pilipinas, karamihan ay mga Liberal, gaya ni Pedro Ortiga y Rey, alkalde ng Maynila, at Consejero de Ultramar para sa Pilipinas.. Maliban kay Jose Rizal, kasama din sa organisasyong ito sina Marcelo H. Del Pilar, Juan Luna at Graciano Lopez Jaena. Sila ay nakalathala ng diyaryong “Revista del Circulo Hispano-Filipino” na nagpapahayag ng mga saloobin sa mga masamang ginagawa ng mga Espanyol.

Hindi nagtagal ang Circulo sapagkat ang mga estudyante ay nahirapan mangalap ng pondo at marahil ay dahil na rin sa kanilang kawalang-pansin dito at hindi pagkakasundo-sundo ng mga ideya. Bagamat hindi tinukoy ni Rizal sa kanyang talaarawan, napagtanto niyang nasa likod nito ang pagtanggi ng mas mayayamang estudyanteng manguna sa pag-aambag ng pera. Datapwat sa mga oras na iyon, si Paterno, isang kaibigang malapit ni Rizal, ay hindi masugid sa pagtanggap ng responsibilidad. Sa katunayan, ang kawalang liderato ni Paterno ang naging pangunahing balakid na kinaharap ni Rizal sa unang dalawang taon nya sa Madrid. Nagdusa din ang Circulo dahil sa sumusulpot na problemang indibidwalismong wala sa lugar, bawat kasapi ng organisasyon lihim na nagmamaktol kung hindi siya ang inihalal na pangulo. Nagsimulang magsisi itong mga estudyante sa pagkabuwag ng Circulo, sanhi na rin ng kanilang kawalang-pansin at pagkakawatak-watak..

Sa panahong ito, kamit na ni Rizal ang mataas na pagpapahalaga ng kanyang mga propesor at mga kaeskwelang Espanyol at unti-unti ng pinakikinggan ng kapwa nya Pilipino

Hanapin mo nalang po jan need mong answer di ko po masyado ma gets question mo eh sorry