👤

3. Ugaliing basahin nang buo at maigi ang nilalaman ng artikulo bago magkomento o mag-share
Tandaan natin na importante ang pagbabasa at pag-unawa nang lubusan sa mga bagay na
nakikita natin sa internet. (Babala: hindi lahat ng nakikita sa internet ay totoo!)
Narito ang ilang mga gabay na tanong upang mas maunawaan natin ang ating mga binabasa:
Ano ang pangunahing paksa ng artikulo na ito? (Tungkol saan ang artikulo na ito?)
Ano ang mga sumusuportang ideya sa pangunahing paksang ito?
Ano ang gustong ipahiwatig ng manunulat/potograpo/may-akda ng gawang ito?
Lahat ba ng mga naisulat/ipinapakita/nailathala ay suportado ng siyentipikong pagsusuri,
ebidensya, at patunay?
Pantay ba sa lahat ng panig ang mga anggulo ng akda o artikulo na ito?
Maari ko bang beripikahin at isangguni sa iba pang mga sanggunian ang mga sinasabi at
inaangkin ng awtor sa artikulo na ito? Sumosoporta ba sa pag-aangkin na ito ang iba pang
mga sanggunian o salungat ang mga ito?
1
o​