👤

Bakit nabuo ang lilusang propoganda​

Sagot :

Answer:

Nabuo ang kilusan dahil sa paglago ng diwang nasyonalista sa kamalayan ng mga Filipinong nakapag-aral, na pinaigting ng mga pangyayaring pangkasaysayang tulad ng pagbitay sa tatlong pari na sina Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora. Higit kaysa mga layuning politikal, nabuo ang kilusan para sa mga tunguhing higit na pampanitikan at pangkultura. Naglabas silá ng pahayagang La Solidaridad na unang inilimbag sa Barcelona noong 15 Pebrero 1889. Unang editor nitó si Graciano Lopez Jaena at hinalinhan ni M.H. del Pilar. Dito inilathala ang mga tuligsa nilá sa katiwalian sa kolonya ng Filipinas. Bukod sa mga ilustrado, nalathala din dito ang ibang kaalyado ng mga Filipino, gaya ni Ferdinand Blumentritt isang Austrianong heograpo at etnologo na nakilála at naging kaibigan ni Rizal sa Alemania.

Español ang wika ng diyaryo dahil higit na target na mambabasá ng mga Propagandista ang mga taga-España at upang maimulat ang mga ito sa mga abuso at korupsiyong nagaganap sa Filipinas. Palihim na iniluluwas sa bansa mula sa Europa ang mga isyu ng pahayagan, at palihim ding binabása ng mga edukadong kababayan ng mga Propagandista. Lumabas ang huling isyu ng pahayagan noong 1895. Samantala, nanamlay at tuluyang namatay ang kilusan matapos ang pagkakahuli kay Rizal at nang mabuwag ang La Liga Filipina.

Sinundan ito ng Katipunan ngunit tungo sa higit na rebolusyonaryong layunin—ang ganap na kalayaan ng bansa at pagpapatalsik sa mga kolonyalistang Español

Explanation:

Sana po makatulong

PA BRAINLIEST PO ❤️