👤

bumuo ng maikling talata na pag papaliwanag sa masipag ​

Sagot :

Ang pagiging masipag ay isang katangian ng mga Pilipino na talagang maipagmamalaki. Ito ay isa sa  mga positibong kaugalian na dapat mayroon ang isang tao dahil sinasabing sila ang madalas nagtatagumpay sa buhay.Kung masipag ang isang indibidwal ay kikita at aasenso tayo. Ika nga sa kasabihan "Nasa Diyos ang Awa , Nasa Tao ang Gawa". Ibigsabihin ang pananampalataya ay gabay natin sa ating buhay ngunit dapat samahan pa rin natin ito ng gawa.

                       Kilala ninyo ba si Juan Tamad? Siya ang   ipinakikilala  upang ipamulat sa atin ang kahalagahan ng kasipagan at kaayusan sa gawain.  Kaugnay nito, dapat nating tandaan na ang kasipagan at kaayusan sa trabaho ay para lamang sa mga tamang gawa at hindi doon sa mga masasama o labag sa batas.  Kung ang pinag-aaralan natin ay paggawa ng masama ay magpakatamad-tamad tayo at huwag na natin gawin ito. Kaya nga ipamulat natin sa ating mga kabataan ang kahalagan ng pagka masipag. Sa tahanan pa lang ay turuan na natin sila para pagdating sa huli sila rin ang makikinabang nito.

                        Lagi nating tatandaan hindi lang pagiging masipag ang sagot sa matagumpay na buhay dapat isama rin natin ang iba pang positibong katangian na kung saan ito ang magiging sandata na tin sa buhay kasama ang pamilya at higit sa lahat ang Poong Maykapal.