Sagot :
Answer:
Ang kwentong Ang Ama ay isang literatura na mula sa bansang Singapore. Ito ay isinalin sa tagalong ng Pilipinong manunulat mula sa bayan ng Ilocos na si Mauro R. Avena. Ang Ama ay umiikot sa kwento ng isang pamilya na binubuo anim na magkakapatid kasama ang batang si Mui Mui.
Explanation:
Ang kwentong Ang Ama ay isang literatura na mula sa bansang Singapore. Ito ay isinalin sa tagalong ng Pilipinong manunulat mula sa bayan ng Ilocos na si Mauro R. Avena. Ang Ama ay umiikot sa kwento ng isang pamilya na binubuo anim na magkakapatid kasama ang batang si Mui Mui.
Explanation:
Walong Pangyayari sa Ang Ama
Natanggal sa trabaho ang ama ng anim na magkakapatid
Dahil sa hindi magandang pangyayari, umuwi na lasing lasing higit pa sa normal ang kanilang ama
Humahalinghing dahil nag-kasakit ang batang si Mui Mui. Gagap ng buong pamilya kung gaano ikinaiinit ng ulo ng kanilang ama ang paghalinghing ni Mui Mui
Sa lakas ng kanyang paghalinghing ay hindi maiwasang marinig ng kanilang ama ito at sa sobrang pagkainis ay sinuntok ng ama si Mui Mui
Pagkalipas ng dalawang araw ay binawian ng buhay ang batang si Mui Mui
Ipinagluksa at inilibing ng pamilya at mga nakikiramay si Mui Mui
Sa kalagitnaan ng paglilibing ay nagdalamhati at nagsisi ang ama sa kanyang nagawa
Sa labis na pagsisisi at pagdadalamhati ay nag-alay ng pansit ang ama sa puntod ni Mui Mui at ipinangako na hindi na muling bibili ng alak at magiging mabuting ama na
Mga Aral sa Kwentong Ang Ama
Binigyang diin ng kwentong Ang Ama ang kasabihang nasa huli ang pagsisisi. Sa mahabang panahon ng pang-aabuso at pananakit sa kanyang pamilya, natauhan lamang ang Ama sa kanyang maling gawain nang binawian na ng buhay sa kanyang mga kamay ang kanyang musmos na anak na si Mui Mui.
Itinuro din ng kwento na kailanman ang dahas ay hindi tamang tugon lalo na sa pamilya. Na ang pagiging Ama o padre de pamilya ay isang napakalalim na salita. Ang pagiging Ama ay tumatagos sa pagkakaroon ng anak, ito ay makikita sa pagmamahal, pang-unawa, at pag-aaruga na ibinibigay sa pamilya kaalinsabay ng ng pagiging responsableng haligi ng tahanan.