Gawain 1: Panuto: Ayusin ang mga hakbang sa maingat na paghuhusga ayon sa tamang pagkakasunod sunod ng mga ito. Isulat sa loob ng kahon ang iyong kasagutan. 1. Isa-isahin ang mga ibat-ibang opsiyon ng pasya 2. Alamin ang maaaring bunga ng pasya 3. Mag-isip ng mabuti 4. Pakalmahin ang sarili 5. Alamin at pagaralan ang situwasyon 6. Mangalap ng impormasyon sa gagawing pasya 7. Sumangguni sa pinagkakatiwalaang eksperto, mahal sa buhay o kaibigan tungkol sa gagawing pasya 8. Magdasal 9. Balikan muli ang unang proseso hanggang pangwalo 10. Gawin ang pasya kung wala ng pagdududa sa sarili