👤

PANUTO. BASAHIN AT UNAWAIN ANG MGA NAKASAAD NA SITWASYON. PAGKATAPOS AY ISULAT SA PATLANG ANG TITIK NG TAMANG SAGOT. 1. Alam ni Edgar na hindi na siya kayang pag-aralin ng kaniyang mga magulang dahil sa mas marami ng gastusin simula Junior High School, Ipinaintindi ito sa kaniya ng kaniyang mga magulang kaya hindi siya nagalit o nagtanim ng sama ng loob. A. pagkamatiyaga C. pagkabukas ng isipan B. pagmamahal sa katotohanan D. pagkamahinahon 2. Maraming basura ang nakita ni Myrna sa likuran ng kanilang paaralan. Hindi pala nakuha ang mga ito ng basurero at ngayon ay nakakalat na. Dali-daling kumuha ng walis at dustpan si Myrna upang linisin ang basura upang hindi makaperwisyo ang amoy nito sa ibang mag-aaral. A. pagiging malinis C. mapanuring kaisipan B. may paninindigan D. pagiging mahinahon 3. Inimbita ka ng iyong kaklase na magpunta pagkatapos ng klase sa kanilang bahay. Ngunit nagbilin ang nanay mo na umuwi ka ng maaga dahil babantayan mo ang nakababata mong kapatid. Ipinaliwanang mo sa iyong kaklase kung bakit kailangan mong umuwi ng maaga. A. lakas ng loob C. pagiging responsible B. kaalaman D. may paninindigan 4. Sa kabila ng kahirapan sa buhay, hindi nawalan ng pag-asa si Julia na balang araw magiging maayos din ang buhay ng kaniyang pamilya. Araw araw niyang ipinagdarasal ito sa Panginoon. A. pagmamahal sa katotohanan C. may pananampalataya B. may paninindigan D. katatagan ng loob 5. Bawat buwan ay nagpapadala si Marta ng sahod na natatanggap niya upang ipambili ng pagkain para sa magulang at mga kapatid. Anong katangian ang ipinapakita ni Marta? A, kaalaman C. bukas na isipan B. pagmamahal sa pamilya D. lakas ng loob​