Answer:
Ang mabuting pakikisama ay isa sa mga tatak nating mga Pilipino. Sa ingles, ito ay tinatawag na hospitality. Kung ang isang tao ay hindi marunong makisama, mamumuhay siyang ulila sa mga kaibigan, pamilya at lalo't higit sa lipunang kanyang ginagalawan.
2. Ang sakit ay parte na ng buhay ng isang tao. Walang tao ang hindi nagkakasakit. Upang maiwasan ang pagkakasakit, mas mainam na kumain nang ma sustansyang pagkain gaya ng gulay, isda at prutas. Ganun din naman panatilihin ang pagiging positibong pag-uugali sa lahat ng bagay sa lahat ng pagkakataon.
3. Ang isang maysakit ay maari g gumaling kung agad siyang malalapatan ng karampatang lunas at mapapaligiran ng mga taong positibo at masaya.
4. Hindi maiiwasan sa pamilya ang magkaroon ng alitan o sigalot. Mangyaring pag-usapan ng bawat miyembro ang problemang kanilang kinakaharap. Kailangan na maging open sila sa isa't isa bilang isang pamilya upang mabilis na masolusyunan and problema ninuman. Huwag na dapat idaan sa social media upang hindi na ito lumago pa.
5. Mula pagkabata ay tinuturuan na tayo kung paano makisama sa kapwa at yun ay sinisimulan natin sa ating mga kapatid at pinsan. Haggang sa tumuntong tayo sa unang baitang pataas, inaasahang dala-dala natin ang kaugaliang ito sapagkat ito ay pagpapakita ng pagiging makatao at maka-Diyos. Napakahalaga ng mahusay na pakikisama sa kapuwa tao sapagkat tayong lahat ay magkakapatid kay Kristo na ating Panginoon.