Gawaing Pagkatuto Bilang 5: PAGTATAYA Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa guhit bago ang bilang. 1. Mekanismo ng pamamahagi ng pinagkukunang-yaman, produkto at serbisyo A. Distribusyon B. Pamumuhunan C. Alokasyon D. Reserbasyon 2. Umiiral dahil limitado ang pinagkukunang-yaman at walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao at pangunahing dahilan ng pag-aaral ng Ekonomiks A. Kagustuhan B. Pangangailangan C. Kakapusan D. kakulangan 3. May apat na pangunahing katanungang pang ekonomiko upang matiyak na episyente at maayos ang alokasyon ng pinagkukunang yaman. Anong katanungan ang batay sa pahayag na "Mamamayan sa loob o labas ng bansa". A. Ano-anong produkto o serbisyo ang gagawin? B. Paano gagawin ang naturang produkto at serbisyo? C. Para kanino gagawin ang mga produkto at serbisyo? D. Gaano karami ang gagawing produkto at serbisyo? 4. Nagaganap ito kung may pansamantalang pagkukulang ng supply ng isang produkto A. Kagustuhan D. kakulangan B. Pangangailangan C. Kakapusan 5. Nangangahulugan ito ng mga bagay na kailangan ng tao sa pang-araw-araw upang tayo ay mabuhay D. Kakulangan A. Kagustuhan B. Pangangailangan C. Kakapusan