11. “Kapag sama-sama at nagtulungan ang bawat kasapi ng pamilya ito ay magiging buo at matatag." Anong aral ang mapupulot sa kasabihan? A. Ang pamilya ang pundasyon sa lipunan. B. Ang pamilya ang salamin sa lipunan. C. Kung ano ang puno, siya rin ang bunga. D. Kung matatag ang pamilya, may pakinabang sa lipunan. 12. “Ang pagmamahalan ay nagpapatibay sa isang pamilya." Anong positibong impluwensya ang ipinahiwatig sa pahayag? A. Ipadama ang pagmamahal sa bawat kasapi ng pamilya. B. Dito ipinapakita ang pagsasama ng buhay at pagmamahal. C. Nakapagbibigay-buhay dahil nakatakda ito sa pagkakaroon ng anak. D. Nagkaroon ng kaligayahan ang bawat kasapi ng pamilya kung may pagmamahalan. 13. Sa kabila ng kahirapan, hindi nawawalan ng pag-asa ang ama ni Linda sa pagtaguyod sa kanila. Alin sa sumusunod ang positibong impluwensiyang ipinakita ng ama? A. pagiging matatag B. pagiging madasalin C. pagiging masayahin D. pagiging disiplinado 14. Bakit kailangang pairalin ang pagmamahalan at pagtutulungan ng isang pamilya? Upang; A. Maging matatag ang pamilya. B. Maayos ang pagtrato sa bawat isa. C. Mapanatili ang respeto sa isa't isa. D. Magkakaroon ng matiwasay na pagsasama ang pamilya 15. Si Ana ay likas na matulungin sa kaniyang mga magulang pinagsasabay nito ang pag-aaral at pagtitinda ng mga kakanin sa paaralan. Anong birtud ang ipinamamalas ni Ana? A. pagtulong B. pagmamahal C. pakipagkapuwa D. pananampalatay 16. Ang pamilya ang sentro ng kagandahang pag-uugali. Alin sa sumusunod na kasabihan ang nagpapatunay dito? A. Kung ano ang puno, siya rin ang bunga. B. Sa pamilya tayo kumukuha ng lakas upang maging isang ganap na tao. C. Kung ang iyong pamilya ay makasarili, marahil ay gayun din ang iyong pag-uugali. D. Kung nabibigyan ng sapat na atensyon at gabay ang mga anak ay tiyak magiging isang mabuting indibidwal. 17. Ang baryo Pag-asa ay isang liblib at malayong lugar. Kaya laking tuwa ng mga taga roon nang may dumating na doktor na libre ang panggagamot. Anong katangian ang pinapairal ng doktor? A. matulungin sa kapuwa B. isang mabait na doktor C. may malasakit sa mga nangangailangan D. umiiral ang pagmamahal sa baryo Pag-asa