D. Panuto: Basahin ang sumusunod na pahayag at alamin kung ito ay tumutukoy DA kung ito ay tumutukoy sa Damage Assessment o LA kung ito naman ay sagutang papel ang mga titik na NA kung ito ay tumutukoy sa Needs Assessment, tumutukoy sa Loss Assessment. 1. Inaalam rito ang pagkawala ng serbisyo at pagtigil ng produksyon. 2. Tinutukoy dito ang mga napinsalang ari-arian o imprastruktura. 3. Inaalam sa assessment na ito ang mga pangangailangan ng mga nasalanta ng kalamidad. ayusing 4. Mahalaga ito upang matukoy ang kailangang kumpunihin o imprastruktura upang makabalik sa normal na buhay ang mga tao. 5. Mahalaga ito upang malaman kung ano ang kailangan ng mga tao na nasalanta ng kalamidad. 6. Maaaring mapasama sa pagtataya na ito ang mga pagkain, damit at tirahan. 7. Maaaring mapasama sa pagtataya na ito ang mga nasirang tulay, kalsada at mga gusali. 8. Maaaring mapasama rito ang kawalan ng serbisyo ng mga hospital, kawalan ng pasok sa paaralan at kawalan ng suplay ng kuryente at tubig. 9. Dahil dito ay maiiwasan ang pagbibigay ng sobra-sobra o mga bagay na hindi naman kailangan ng mga biktima ng kalamidad. 10. Mahalaga ang bahaging ito upang malaman kung anong serbisyo o produksyon ang kinakailangang maibalik upang magamit ng mga tao.