👤

Gawain 2c: BINAGONG TAMA O MALI Panuto: Suriin mo ang iyong kaalaman ukol sa yamang-likas ng Timog at Timog-Silangang Asya sa pamamagitan ng pagtukoy kung tama o mali ang bawat pangungusap. Isulat ang titik T kung ang pangungusap ay wasto. Itama naman ang pangungusap kung ito ay mali sa pamamagitan ng pagbabago sa nakasalungguhit na salita.
1. Ang Timog Asya at Timog-silangang Asya ay binubuo ng mga bansang agrikultural.
2. Maraming punong palm at matitigas na kahoy gaya ng apitong, yakal, lauan, kamagong, ipil, pulang nara, mayapis at iba't ibang species ng dapo ay nasa kagubatan ng Singapore.
3. Dumadaloy sa Nepal ang mga ilog ng indus, Ganges at Brahmapura.
4. Malaki ang reserbang bakal at karbon ng india.
5. Liquified gas ang pangunahing mineral ng Malaysia habang tanso naman ang sa Pilipinas.​