👤

pa help po example lang po ​

Pa Help Po Example Lang Po class=

Sagot :

Answer:

Own example.

Kurso: Psychology - Ito ang gusto kong kurso dahil nais kong maging isang propesyunal na tagapaggamot sa mga taong may problemang mental. Bukod pa, interesado akong malaman ang iba't ibang bagay tungkol sa pag iisip ng tao at mga sakit sa pag iisip.

Hilig - Pagbabasa ang aking hilig. Sa pagbabasa, marami akong nalalamang mga bagong salita na nakapagpapalawak ng aking bokabularyo. Mga nobelang may genre na mystery, crime, at thriller ang hilig kong basahin.

Paghahambing: Ang Psychology ay masasabing isang mahirap na kurso dahil halos lahat ng kaalaman at gawain ay mahirap maintindihan sa isang paliwanagan lamang. Puno ito ng mga teorya galing sa iba't ibang mga alagad ng sikolohiya. Gayundin, ang mga sakit sa pag iisip ay patuloy pang dinidiskubre ngunit ang mga nadiskubre na ay nagawan na ng librong DSM-5. Gayunpaman, mahalaga ang pagbabasa sa kursong ito dahil ayon nga sa nabanggit, halos lahat ng kaalaman ay kumplikado. Mahalaga ang pagbabasa at pag intindi ng tama sa mga teorya at sakit dahil kung hindi ay mawawalan lamang ito ng saysay.