👤

7. Paano nakatutulong ang pag-aanunsiyo sa mga mamimili?
a. Nakatutulong ito sa pagbibigay ng impormasyon tungkol sa produkto.
b. Pinatataas nito ang pagpapahalaga sa luho.
C. Sinisiguro nito na ligtas sa sakit ang mga produkto.
d. Nagiging tulay ito upang magtatag ng samahang lalaban sa katiwalian ng pamahalaan
8. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng pagiging mapanuri ng isang mamimili?
a. Hindi siya nagpapadala sa mga anunsiyo.
b. Tinitingnan niya muna kung tama ang timbang ng kaniyang binili.
C. Magalang niyang sinasabi na mali ang presyo ng nagtitinda.
d. Binibili niya ang produkto ayon sa kaniyang sapat na badyet.
9. Paano nakaaapekto sa pagkonsumo ang pagpapahalaga ng isang tao?
a. Dinidiktahan nito ang desisyon ng isang tao sa pagbili ng produkto.
b. Hinihikayat nito ang isang tao na bumili ng produkto kahit hindi ito bahagi ng kaniyang pangangailangan.
C. Bumibili ang isang tao ng produkto upang makibahagi sa pagdiriwang ng okasyon.
d. Binibili ng isang tao ang produkto dahil nakita niya ito sa iba. 10. Ano ang epekto ng panggagaya sa pagkonsumo?
a. bumababa ang pagkonsumo sa produkto
b. mas pinahahalagahan ang luho
C. magkakatulad ang kinokonsumong mga produkto
d. madalas itong inaanunsiyo
11. Alin sa sumusunod ang dapat na unang inaalam ng isang matalinong mamimili kung nais niyang bilhin ang isang produkto?
a. sino ang nag-endorso ng produkto
b. presyo ng produkto
C. ilang Pilipino na ang bumili nito
d. wala sa nabanggit
12. Bakit nakaaapekto ang pag-aanunsiyo sa pagtaas ng pagkonsumo?
a. Nakapanghihikayat ito ng mga tatangkilik ng produkto.
b. Nagagawa nitong mapababa ang pagpapahalaga sa luho.
C. Napasisigla ang pagkonsumo dahil sa mga sale. d. Tumataas ang pagkonsumo dahil sa okasyon.