👤

Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay tumutukoy sa wastong kahalagahan ng tamang impormasyon at MALI kung hindi.

1. Naniniwala kaagad si Ana sa mga balita at impormasyon sa social media.

2. Ang pakikinig sa radio at TV ay may malaking maitutulong sa pagpapalaganap ng wastong impormasyon.

3. Sinusuri ni Camille ang katotohanan ng balita o impormasyong nabasa sa social media sa pamamagitan ng pakikinig at panonood ng kahalintulad na balita sa TV, radio at dyaryo.

4. Napakinggan ni Rene ang impormasyon sa TV at radio tungkol sa kumakalat na bagong variant ng Covid 19 disease. Agad niya itong sinabi sa kanyang mga kaibigan at sinabihan silang huwag maglaro sa labas ng kanilang tahanan.

5. Iniiwasan ni Belen ang magkalat ng impormasyong nakuha niya sa social media dahil ito ay baka fake news lamang.

6. Sa pangangalap ng katotohanan, kinakailangan ang mga datos sa tunay na pangyayari at katiyakan ng tamang impormasyon

7. Sinabi ni Dani kay Atong na delikado sa mga batang katulad nila ang Covid variant ngunit hindi ito pinansin ni Atong at patuloy pa rin ang ginagawa niyang paglalaro sa labas ng tahanan.

8. Ang tamang impormasyon ay hindi makatutulong sa pagbibigay ng tamang desisyon.

9. Narinig ni Donna ang ikinakalat na balita si Clara. Alam ni Donna na ito ay fake news lamang kaya pinagsabihan niya si Clara na itigil na ang kanyang ginagawa.

10. Mahalaga na magkaroon ng pagdududa sa mga nababasang impormasyon sa social media.​