👤

Make a tula about sa "lipas na ala-ala" <3

ps; sumagot kayuo ng maayos foenyenta


Sagot :

Answer:

Nagsaulian ng kandila

Explanation:

Explanation:

Kung isa-isahin ang nangakaraan

Simula no'ng ika'y aking niligawan

Hanggang sa dumating ating hiwalayan,

Maikuk'wento ko ng walang alangan.

Unang kita palang, napaibig ako

Sa isang babae at Nimfang tulad mo;

Puso ko'y nahulog ng di napagtanto,

Siguro'y pakana ito ni Kupido.

Iyong itinanong, "Ikaw ba si Donward?"

Ako'y napatigil nang dahil sa gulat

Ako ay lumingo't ikaw ay hinarap,

Aking itinugon isang tango't kindat.

Nang ako'y lumabas na sa isang silid

Hindi ko mawari't ikaw ay nawaglit;

Ako ay nalumbay sa nasahing pilit

Ano't ang tadhana ay nagmamalupit.