👤

Alamat ng Keyboard
Noong unang panahon sa mga mundo ng letra at numero, naghahari ang
grupo ng mga numero. Sila ang nagpapatupad ng mga batas, namumuno upang
mapaunlad ang kanilang pamumuhay. Sabi ng grupo ng mga letra, “dapat tayo
naman ang mamuno sa ating bayan upang magkaroon ng pagbabago at mas mapaunlad natin ang ating bayan! Lagi na tayong alipin dito!” Dahil dito, naglunsad ng
pag-aaklas ang mga grupo ng mga Letra laban sa pamumuno ng mga numero,”
Nagkaroon ng digmaan at nagkasira-sira ang pamumuhay nila. Dahil sa ginawang
ito ng mga grupo ng Letra nagalit ang Inang Diwata, maayos naman daw ang
pamumuhay nila noon hanggang sa magkaroon ng di pagkakaunawaan. Pilit na
pinag-aayos ng Inang Diwata ang dalawang grupo, ngunit ayaw pa rin nilang magayos. Sa galit ng mga Inang Diwata, sinumpa niya ang mga numero at letra na
maging keyboard sa ibang dimension. Sa makabagong panahon at henerasyon
ngayon ang keyboard ay ginagamit sa paaralan, establisyemento at marami pang
iba.
Matapos basahin at unawain ang teksto, nais kong magbigay ka ng iyong
opinyon at kuro-kuro patungkol dito.
Pagpapakilala ng Aralin
EsP5Q1Week 4 3
Ano ang maaaring mangyari kapag hindi tayo marunong makinig sa hinaing
na iba? Ano ang mangyayari kung hindi bukas ang iyong pag-iisip (openmindedness)? Tulad ng aral sa kwento, nagkaroon ng away o gulo sa pagitan ng
mga letra at numero. Nagkaroon ng pag-aaklas ang grupo ng mga letra sa
pamumuno ng mga numero na naging dahilan ng hindi pagkakaunawaan.
Sumalamin ito sa kakulangan sa pag-uusap o komunikasyon sa pagitan ng
dalawang panig. Nanaig din ang inggit at pagkagahaman sa kapangyarihan na nagudyok para lumaban. Ang Inang Diwata bilang tagapamagitan ay gumawa ng
paraan upang magkasundo ang dalawang panig subalit hindi pumayag ang
dalawang panig. Ito ay nagpapakita lamang ng saradong pag-iisip.
Nagpapatunay lamang ito na malaki ang epekto ng hindi pakikinig sa hinaing
ng iba na maaaring mag-udyok sa gulo o away. Ang open-mindedness o ang bukas
na pag-iisip ay isang primaryang tulay sa kapayapaan at maayos na ugnayan ng
bawat isa maging pamilya at iba pang sektor ng lipunan.
Nararapat na linangin at pagyamanin ang ganitong uri ng mentalidad upang
manatili ang respeto at paggalang sa bawat opinyon, gawi at kultura ng bawat isa.
Hinihimok tayo ng ating paaralan na isabuhay ang ganitong uri ng ugali sa lahat ng
oras at pagkakataon. Sa paglipas ng araw at panahon, masasabi mong “BUKAS
ANG ISIP KO, MAG-AARAL AKO”.
Ngayon ay tapos na ang talakayan at nalaman mo na ang kahalagahan ng
bukas na pag-iisip, isagawa na ang mga nakatakdang gawain 1.Ano ang pamagat ng alamat? 2.Sino ang dalawang grupong nabanggit sa kwento? 3. Bakit naglunsad ng pag-aaklas ang grupo ng mga Letra? 4.Bakit nagalit ang Inang Diwata? 5.Ano ang kinalabasan ng di pagkakaunawaan ng dalawang grupo?