Sagot :
Answer:
1 Pamamahagi
Ang komunikasyon ay tungkol sa pamamahagi o pakikipagpalitan
ng impormasyon sa anumang paraan. Para sa mga Nabigante,
ang dalawa sa pinakamahalagang paraan ng komunikasyon
ay sa pamamagitan ng pakikipag-usap o sa pamamagitan ng
elektronikong paraan ng pakikipagpalitan.
2 Nasa target
Ang mabuting komunikasyon at mabuting pakikipagpalitan ng
impormasyon ay ganap na mahalaga sa mabuting nabigasyon.
Ang mga nabigante ay kailangang tiyak na ang impormasyon na
kanilang sinasabi ay parehong napadala at natanggap nang wasto.
3 Pag-uusap tungkol sa sakuna
Ang maling komunikasyon o ang paggamit ng hindi mahusay na
impormasyon ay ang nangungunang sanhi ng mga aksidente at
malaki ang nawawala sa atin kung pinag-uusapan ang reputasyon,
pera at epekto sa kapaligiran.
4 Kahulugan ng pagkilos
Ang komunikasyon sa pagitan ng pangkat ng bridge ay maaaring
kinabibilangan ng pagkumpas ng katawan, tono at binibigkas
na komunikasyon. Ang lahat ng mga ito ay mahahalaga para sa
mabuting pamamahala ng pangkat ng bridge.
5 Plano para magtagumpay
Ang kamalayan sa panganib ,at ang ligtas na pamamahala sa
panganib ay lubos na mas mabisan kapag naibabahagi sa mga
kasamahang propesyonal na nasa bridge, kasama na ang mga
Navigator (nabigante), mga Pilota, at kung saan naaangkop,
sa mga Inhinyero. Ikonsidera ang ‘pagpaplano’ ng inyong mga
mahahalagang mensahe, lalo na kung hindi kayo kumportable sa
sinasalitang wika.
6 Makinig at magmasid
Hikayatin ang lahat ng mga kalahok na ‘sabihin ang kanilang
nasasa-isip’ para matiyak na ang inyong mensahe ay malinaw na
naintindihan. Ang tungkulin ng nagsasalita ay hindi nagwawakas
sa sandaling naulit ng nakikinig ang mensahe. Para maiwasan ang
mga aksidente, kailangang magmasid ang nagsasalita at tapos ay
patotohanan ang kilos.
7 Sobrang kargada
Kung masyado maraming data ang ipinapakita o ito ay ipinapakita
sa hindi wastong paraan, ang mga Nabigante ay maaaring
maguluhan, pagtuunan ng pansin ang maling mga bagay o
magsayang ng panahon.
8 Mga tao at mga makinarya
Kailangan ng mga nabigante na bigyang kahulugan ang
sinasabi sa kanila ng mga computer. Higit sa lahat, kailangan
nilang ipagsama ang kanilang kakayahan bilang tao at ang
kanilang kalakasan sa teknolohiya para makabuo ng mabisang
komunikasyon gamit ang lakas ng parehong nabanggit.
9 Malinaw at may kahulugan ba ang mga ito?
Ang impormasyon na ipinagkakaloob ng mga electronic ay hindi
parating magagamit o wasto. Kailangan dapat tanungin ng mga
nabigante kung ano ang kanilang nakikita at gamitin ang sentido
kumon at propesyonal na kaalaman para tasahin ito.