1. Pagpapatigil sa pagpunta ng mga turista sa Boracay. * a. Isyung Pampolitika b. Isyung Pang Kultural c. Isyung Pang -ekonomiya d. Isyung Pangkapaligiran 2. Pagpapatupad ng mga Check points ng mga kapulisan. * a. Isyung Pang Sektoral b. Isyung Pangkalusugan c. Isyung Panlipunan d. Isyung Karapatang Pantao at Gender 3. Lahat ng mga mag-aaral ay inaabangan ang pag-uulat ni Minerva sa klase. Ito ay sakadahilanan na kapag siya ang nag-uulat hindi lang siya nakapokus sa misyong aralin nakanyang tatalakayin kundi may mga karagdagang kaalaman pa siyang naibibigay tungkolsa mga napapanahong isyu sa mga bansa at mga kaganapan sa lipunan. * a. Nalilinang ang ating kritikal na pag-iisip b. Naiuugnay ang sarili at sa pangyayari c. Napahahalagahan ang mga tauhan, pangyayari at isyu. d. Nahahasa ang ibat-ibang kasanayan at pagpapahalaga
4. Naimbitahan si Norman bilang SSG President at kinatawan ng mga mag-aaral sa isangpagpupulong kaharap ang Punongguro. Layunin ng pagpupulong na malaman ngPunongguro ang mga kinakaharap na suliranin o isyu ng bawat pangkat sa paaralan.Pagkatapos ng pagpupulong laking tuwa ng Punungguro kay Norman sa kanyangpresentasyon at pagtalakay at sinabihan pa siyang “Magaling ang iyong ginawa Normanhindi ka lamang nagsabi ng problema ninyong mga bata kundi naglatag kapa ngsolusyon”. * a. Makakatulong sa pagbibigay ng solusyon b. Naiuugnay ang sarili at sa pangyayari c. Napahahalagahan ang mga tauhan, pangyayari at isyu. d. Nahahasa ang ibat-ibang kasanayan at pagpapahalaga
5. Hindi na napigilan ni Brent na sumabat buhat sa pakikinig sa mga opinyon ng mga kaibigan tungkol sa isang pagpapasyang naganap sa kanilang paaralan. Nilatag niya punto por punto ang panig ng bawat pangkat na kasama sa pagpapasya. Taimtim naman ang pakikinig ng kanyang mga kaibigan sa kanyang pagpapaliwanag. * a. Makakatulong sa pagbibigay ng solusyon b. Nalilinang ang ating kritikal na pag-iisip. c. Napahahalagahan ang mga tauhan, pangyayari at isyu. d. Nahahasa ang ibat-ibang kasanayan at pagpapahalaga