Sitwasyon 2 Isang araw inutusan kang bumili ng tinapay. Napansin mong sobra ng dalawampung piso ang sukling ibinigay sa iyo ng tindera. Nang araw ding iyon hindi ka binigyan ng baon ng iyong ina dahil kulang ang kinita ng iyong ama sa pamamasada. Naisip mo na biyaya sa iyo ang sobrang sukli dahil nagkaroon ka ng baon sa araw na iyon. Katuwiran mo pa, hindi mo naman ginusto na magkamali ang tindera sa pagsusukli. Hindi masama na itinago mo ang pera at nagpasalamat ka pa dahil nagkamali ang tindera.
Mali, kahit ano pa yan dapat maging tapat tayo at kung may ginawang mali aminin at wag nang mangatuwiran kung alam mong kasalanan mo naman. Sabihin ng maayos kung ano ang gusto at kailangan mo, wag mong idaan sa ganyan.