👤

VI. Pagpapayaman Panuto: Basahing mabuti ang kuwento at sagutin ang mga gabay na tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel. BIDASARI (Epiko ng Mindanao) Sa kaharian ng Kembayat ay may nakatirang isang garuda, isang dambuhalang ibon na kumakain ng mga tao. Tuwing dumadating ang ibon, nagtatakbuhan ang mga tao at nagtatago sa mga kuweba. Dahil sa takot, nagkahiwalay ang sultan at sultana ng Kembayat. Buntis noon ang sultana, at dahil sa takot, naipanganak niya ang anak niyang babae, at naiwan niya ito sa Bangka sa tabi ng ilog. Napulot ang sanggol ni Diyuhara, isang mangangalakal mula sa kabilang kaharian. Itinuring niyang tunay na anak ang sanggol at pinangalanan niya itong Bidasari. Sa kaharian ng Indrapura ay naghahari si Sultan Mongindra na dalawang taon pa lang kasal kay Lila Sari. Si Lila Sari ay selosa, at takot siyang iwan siya ng sultan, kaya pinasaliksik niya ang buong kaharian kung may mas maganda pa sa kanya. Nakita ng tauhan ni Lila sari si Bidasari, na higit na maganda sa sultana. Inimbitahan ni Lila Sari na magtrabaho si Bidasari sa palasyo, ngunit pagdating doon, lihim na ikinulong ng sultana si Bidasari at doon pinahirapan. Nang hindi na makaya ni Bidasari ang pagpapahirap na ginawa sa kanya, sinabi niya kay Lila Sari na kunin 7​