👤

epekto nito sa iyong pag-aaral? Mahilig ka rin bang maglaro ng mga videogames? Ano ano ang maaanng ang link sa https Www youtube.com/watch?v=NOOYCEOazne . Ang balitang ito ay Panoorin ang isang balita tungkol sa paggamit ng gadget. Maaaring bisitahin tungkol sa labis na paggamit ng mga gadget, posibleng magdulot ng learning Panuto: Pagkatapos mong mapanood ang balita ay itala ang mga kaisipan at pagpapahalagang nakapaloob sa iyong napanood. Sundin ang ibinigay na pormal. Iguhit at isulat ang iyong sagot sa hiwalay na sagutang papel. disabilities sa mga bata. pamagat 2 3​

Sagot :

Answer:

Itinuturing na ng World Health Organization (WHO) na isang mental health disorder ang pagkalulong sa digital at video gaming.

Ayon sa WHO, isinama na nila ang kondisyong ito sa listahan ng 11th International Classification of Diseases (ICD) na ilalabas ngayong 2018.

Sa kanilang depinisyon ng "gaming disorder," ito anila ang mga indibidwal na walang ginawa kundi maglaro at wala nang interes sa ibang bagay o aktibidad.

Saad ng WHO: "Gaming disorder is defined in the draft 11th Revision of the International Classification of Diseases (ICD-11) as a pattern of gaming behavior ("digital-gaming" or "video-gaming") characterized by impaired control over gaming, increasing priority given to gaming over other activities to the extent that gaming takes precedence over other interests and daily activities."

WHO: Addictive gaming to be recognized as disease

Paliwanag naman ng Department of Health (DOH), masama ang epekto sa kalusugan ng labis na paglalaro dahil kundi puyat ay di na kumakain ang mga lulong sa gaming.

Ayon pa kay Assistant Secretary Lyndon Lee Suy ng DOH, wala na ring oras sa pamilya ang ilan sa mga labis na naglalaro.

Pero nilinaw ng DOH na hindi naman ibig sabihin na kapag laging naglalaro ang isang indibidwal ay may gaming disorder na siya.

Ilan anila sa mga sintomas nito ay kawalan ng kontrol sa haba ng oras ng paglalaro, pagbibigay prayoridad sa paglalaro, at patuloy na paglalaro sa kabila ng mga negatibong epekto nito.

Payo ng DOH sa mga magulang, gabayan ang mga anak sa paglalaro at limitahan ang oras na uubusin para rito.