Buksan Ang lalpan NI Joji Lou O. Suminguit Buksan ang isipan sa kinabukasan na di alam Lawakan ang pangarap para sa maningning na bukas Simulan sa munting hakbang, mangarap ng walang alinlangan Mataas, malayo ito ay huwag katatakutan Buong puso at isip ito'y panghawakan hanggang ito'y makamtan Buksan ang isipan at tanggapin ang katotohanan Na bawat isa ay di pareha 16 Iba iba ang hamon at karanasan na pinagdaanan Marahil ito ay mapait, masakit o kaaya aya. Ito parin ay magbibigay aral at gabay para sa magandang buhay. Di mo kailangang ihambing ang iyong sarili sa iba. Iwasang manghusga dahil tayo ay bukod tangi sa isa't isa. Buksan ang isipan at alamin na ikaw ay di nag-iisa, Huwag matakot! Sa bawat hakbang na tatahakin, sa bawat pagsubok at sa bawat pagpapasya na haharapin. Bawat pagkakataon ito ay sasalubungin Na may lakas na loob at magandang katangian Dahil ang Diyos ay may awa sa mga taong may pananampalataya. Para sa iyong inaasam na kinabukasan At sa bawat pagpapasya para sa katuparan Sa Diyos na dakila ikaw ay magtiwala Matapos ang gawain ay sagutin sa Reflective Journal ang mga sumusunod na tanong 1. Ano ang iyong nagging kaisipan matapos mong mabasa ang tula? 2. Ano ang naging kahulugan ng tulang ito sa iyo? 3. Sa iyong palagay, madali lang bang isabuhay ang pagiging bukas ang isipan?