👤

para sayo ano ang ibig sabihin ng komunikasyon? bakit ito mahalaga?​

Sagot :

Answer:

Kahulugan at Kahalagahan ng Komunikasyon

1. Kahulugan at Kahalagahan ng Komunikasyon

2. Kahulugan ng Komunikasyon

3. Komunikasyon -Mula sa salitang Latin na “COMMUNIS” na nangunguhulugang “karaniwan” o “panlahat” . -Isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon na kadalasan na ginagawa sa pamamagitan ng karaniwang simbolo. - Proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mga mensahe sa pamamagitan ng cues na maaring berbal o di-berbal

4. -Tahasan itong binubuo ng dalawang panig: isang nagsasalita at isang nakikinig na kapwa nakikinabang nang walang lamangan.(Atienza et. Al. 1990) -Isang proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng simbolo na maaaring verbal o di-verbal.(Bernales et. Al.) -Ayon sa isang Sikologo na si S.S Stevens, ang komunikasyon ay ang napiling pagtugon ng organismo sa anumang bagay na nangangailangan ng pagkilos o reaksiyon.

5. -Intensyonal o konsyus na paggamit ng anumang simbolo upang makapagpadala ng katotohanan, ideya, damdamin, emosyon mula sa isang indbidwal tungo sa iba. -Greene at Petty (Debeloping Language Skills) -Ito ay pagpapahayag; paghahatid o pagbibigay ng impormasyon sa mabisang paraan; isang pakikipag-ugnayan, pakikipagpalagayan o pakikipag-unawaan (Webster).

6. -Ang komunikasyon ay paghahatid ng mahahalagang impormasyon sa isang paraang masining upang maging mabisa at mahusay na maipahayag ng tao ang kanyang palagay o saloobin sa kanyang kapwa, anuman ang paksang inaakala niyang mahalagang mapag-usapan (Verdeber, 1987).

7. Kahalagahan ng Komunikasyon

8. Kahalagahang Panlipunan Ang tagumpay at kabiguan, ang hinaharap ng tao ay nakasalalay sa paraan ng kanyang pakikipag- unawaan. Pinatatag din ng pakikipag-unawaan ang kalagayan at binibigyang-halaga ang pagkatao. Sa pamamagitan ng mahusay at maayos na pakikipag-usap at pakikisalamuha sa iba, nakagagawa siya ng desisyon tungkol sa anumang bagay: sa kabuhayan, relihiyon, edukasyon at pulitika.

9. Kahalagahang Pangkabuhayan Anumang propesyon upang maging matagumpay, ay nangangailangan ng mabisang pakikipagtalastasan.

10. Kahalagahang Pampulitika Mahalaga ang komunikasyon sa larangan ng pulitika sapagkat ito ang gamit ng tao upang matalakay ang mga bagay na mayroong kinalaman sa bayan at maipaabot sa kinauukulan. Kailangan din ito upang maliwanag na masulat at maipatupad ang mga batas. Maging ang pakikipag ugnayan sa iba pang bansa ay hindi kailanman magiging posible kung hindi dahil sa komunikasyon.

11. Sa madaling salita, ang komunikasyon ay ang paraan natin upang makipag-ugnayan sa ibang tao, para tayo magkaintindihan. Natutugunan at nagagampanan ang mga pang-araw-araw na gawain sa buhay. Napapataas at napapanatili ang pagkakakilanlan sa sarili Nalilinang ang kakayahang makipag-uganayan at pakikipagpalitan ng impormasyon sa ibang tao.