B. Piliin ang pangungusap na nagpapaliwanag sa saknong ng tula. Isulat ang letra ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa kuwaderno. 1. Makabagong bayani ang tawag sa kanila Hindi sandata sa pakikidigma ang panangga Lakas ng katawan at tibay ng resistensya ang kanilang taglay a. Kailangan ang sandata upang palakasin ang katawan. b. Malakas na pangangatawan ay kailangan upang magampanan ang tungkuling paglingkuran ang mga tao. c. Kailangan ang sandata upang manalo sa laban. d. Mahalaga ang sandata sa pakikipaglaban sa kaaway.