Sagot :
Answer:
- Pabalat – Dito makikita ang pamagat ng aklat at ang pangalan ng awtor o may-akda.
- Pamagat – Ito ang pangalan ng aklat.
- Pahina ng Pamagat – Nakasulat dito ang pangalan ng aklat, tagalimbag, at ang lugar at taon na nailimbag ang aklat.
- Pahina ng Karapatang-ari – Makikita rito ang karapatang-ari ng tagalimbag, kung ilang edisyon, kailan inilimbag, at maikling impormasyon tungkol sa awtor.
- Paunang Salita – Ito ang nagsisilbing introduksiyon o panimulang salita tungkol sa aklat.
- Talaan ng Nilalaman – Listahan ng pamagat ng mga yunit, aralin, at kasanayan, at ang bilang ng pahina na katatagpuan ng mga ito.
- Katawan ng Aklat – Ito ang pinakamahalagang bahagi ng aklat.
- Talasanggunian – Dito makikita ang pinagkunan o pinagbatayan ng impormasyon ng awtor.
Explanation: