- Isulat sa iyong kuwaderno ang sinasaad ng sumusunod. 1. Sino-sino ang malalapit na tao sa iyong buhay na hinihingan mo opinyon o payo sa panahon na kailangan mo ng tulong up makapagdesisyon o makagawa ka ng tamang pasya? Gumuhit ng is hugis puso at isulat sa loob ang sagot. 2. Anong pagkakataon o sitwasyon sa iyong buhay na gumawa ka ng isa mahalagang pagpapasya. Sino ang iyong nilapitan at sinang-ayunan r kaya nakagawa ka ng mabuting pasya? 3. Lahat ba ng mungkahi o tulong na ibinibigay ng nakararami ukol s pagpapasya ay dapat mong sang-ayunan? Bakit? 4. Sino ang mas pakikinggan mo sa pagpapasya, ang nakakatanda sa iyo ang mas nakababata? Bakit? 5. Ano ang gagawin mo kung hindi ka sigurado sa pasya ng nakararami dahil mayroon kang pakiramdam na magdudulot ito ng hindi maganda at maaaring pagsisisihan ang pagsang-ayon sa kanilang pasya? 6. Ano ang mga pangunahing hakbang na pwede mong gawin bago gumawa ng desisyon o magbigay ng iyong pasya? 7. Dapat bang sumangguni ka pa sa ibang tao pagkatapos mong humingi ng tulong at may mga mungkahing pasya na galing sa iba? Bakit? Math-68-01-11