Sagot :
Answer:
1. RETORIKAL NA PANG-UGNAY
2. Ang pag-uugnay ng ibat’ ibang bahagi ng pagpapahayag ay mahalaga upang makita ang pag-uugnayang namamagitan sa pangungusap o bahagi ng teksto. Sa Filipino, ang pang- ugnay na ito ay kadalasang kinakatawan ng pang-angkop, pang-ukol, at pangatnig.
3. 1. PANG-ANGKOP- Ito ay ang katagang nag- uugnay sa panuring at salitang tinuturingan. Ito ay nagpapaganda lamang ng mga pariralang pinaggagamitan. May dalawang uri ng pang- angkop. Ang pang-angkop na na ay ginagamit kapag ang unang salita ay nagtatapos sa katinig maliban sa N. Hindi ito isinusulat nag nakadikit sa unang salita. Inihihiwalay ito. Nagigitnaan ito ng salita at ng panaguri. Halimbawa: mapagmahal na hari
4. Kapag ang unang salita naman ay nagtatapos sa titik N tinatanggal o kinakaltas ang N at pinapalitamn ng -ng. Halimbawa: Huwarang pinuno Ang pang-angkop na -ng ay ginagamit kung ang unang salita ay nagtatapos sa pangatnig. Halimbawa: mabuting kapatid
5. 2. PANG-UKOL- ito ay kataga/salitang nag- uugnay sa isang pangngalan sa iba pang salita sa pangungusap. Narito ang mga kataga/pariralang malimit gamiting pang- ukol. sa ayon sa/kay Ng hinggil sa/kay Kay/kina ukol sa/kay Alinsunod sa/kay para sa/kay Laban sa/kay tungkol sa/kay
6. PANGATNIG sa mga kataga/salita na nag- uugnay ng dalawang salita, parirala, o sugnay. Pangatnig na pandagdag:Nagsasaad ng pagpuno o pagdagdag ng impormasyon. Halimbaw: at, pati Pangatnig na pamukod:Nagsasaad ng pagbubuklod o paghihiwalay. Halimbawa: o, ni, maging
7. Pagbibigay sanhi/bunga:Pag-uugnay ng mga lipon ng salitang nagbibigay katwiran o nagsasabi ng kadahilanan. Halimbawa: dahil sa, sapagkat, palibhasa Paglalahad ng bunga o resulta:Nagsasaad ng kinalabasan o kinahatnan. Halimbawa: bunga, kaya Pagbibigay ng kondisyon:Nagsasaad ng kondisyon o pasubali. Halimbawa: kapag, pag, kung, basta
8. Pagsasaad ng kontrast o pagsalungat: Nagsasaad ng pagkontra o pagtutol Halimbawa: ngunit, subalit, sapagkat
Explanation:
hope it helps.