Answer:
Kahulugan ng Ekonomiks Ang Ekonomiks ay isang sangay ng Agham Panlipunan na nag-aaral kung paano tutugunan ang tila walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao gamit ang limitadong pinagkukunang yaman. Ito ay nagmula sa salitang Griyego na oikonomia, ang oikos ay nangangahulugang bahay, at nomos ay pamamahala. Ang ekonomiya at sambahayan ay maraming pagkakatulad.