👤

2. Kilalanin ang mga sumusunod na pangalan:
a. Melchora Aquino
b. Padre Mariano Gil
C. Jose Rizal
d. Andres Bonifacio
e. Macario Sakay
please help ​


Sagot :

A. Melchora Aquino

--Si Melchora Aquino (kapanganakan 6 Enero 1812, kamatayan 2 Marso 1919) o Tandang Sora ay Isa sa mga matatapang na babaeng kasama ng himagsikan ng katipunan. hindi nagkaroon ng pagkakataong mag-aral subalit kung pakikipagkapwa tao ang pag-uusapan ay nasa kanya na ang mga katangiang maaring ituro ng isang guro sa paaralan. Siya ay may isang maliit na tindahan sa Balintawak. Tinagurian siyang Tandang Sora, sapagkat matanda na siya noong sumiklab ang himagsikang pinamumunuan ni Andres Bonifacio noong taong 1896.

B. Padre Mariano Gil

--Siya ay isang paring Espanyol na pinagsabihan ni Teodoro Patiño na may lihim na samahan ang katipunan o kkk na nagsumbong sa mga opisyal ng kastila.

C. Jose Rizal

--Si José Rizal na may buong pangalan na José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda ay ipinanganak noong Hunyo 19, 1861 sa Calamba. Namatay siya noon Disyembre 30, 1896 sa Maynila siya ay isang patriotiko, doktor, at taong naging inspirasyon sa kilusang nasyonalista ng Pilipinas.

D. Andres Bonifacio

--Si Andres Bonifacio ang tagapagtatag ng Katipunan at itinuturing na “Ama ng Himagsikang Filipino.” Tinatawag siyáng “Supremo ng Katipunan” at “Haring Tagalog” dahil naging pangulo ng kapisanang mapanghimagsik.

E. Macario Sakay

--isang Pilipinong Heneral na nakibahagi sa Himagsikang Pilipino noong 1896 laban sa Espanya at sa Digmaang Pilipino-Amerikano.Pagkatapos ihayag ang digmaan laban sa US noong 1902,ipinagpatuloy nya ang paglaban at ang sumunod na taon ay naging Pangulo ng Republikang Tagalog

Explanation;

#CarryOnLearning✰ཽ