Sagot :
Answer:
Dapat matutunan ng estudyante ang ekonomiks dahil tutulong ito upang maging timbang sa mga pagpipilian mo. At maunawaan rin kung ano ang mga napapanahong usapin sa ating bansa may kinalaman sa ekonomiya. Makakapagbigay ka ng opinion may kaugnayan sa matalinong pagpapasiya. Tutulong ito upang makapagdesisyon ng tama dahil sa pagkakaroon ng kaalaman hinggil sa ekonomiks.
Iba pang dahilan kung bakit dapat matutuhan ang ekonomiks:
Malaman at maunawaan may kinalaman sa pag-aaral, pagkita, pagkonsumo, paggastos may kaugnayan sa pangangailangan ng tao at kagustuhan. Paraan rin ito upang hindi tayo makapos.
Kapag may kaunawaan sa ekonomiks, magiging matalino tayo sa pagdedesiyon tungkol sa paggamit ng pera.
Tutulong ito sa atin na magkaroon ng iba pang mga katangian upang makapagpasiya ng tama.
Sa pamamagitan ng kaalaman dito, mas mauunawaan natin ang pagpapatakbo nito sa ating bansa at makita ang mga batas at mga programa na ipinatutupad may kaugnayan dito.
Bilang mag-aaral malaki ang kapakinabangan nito upang maintindihan ang bawat desisyon na pinipili ng isang pamilya.
Mahalaga ang pag-aaral ng ekonomiks upang maging makatuwiran at makapagsuri ng mga tamang desisyon an gagawin sa araw-araw.
Gabay rin ito upang magpasiya may kinalaman sa kinabukasan at paghahanapbuhay.
Maraming mabubuting naidudulot ng pag-aaral ng ekonomiks. Hindi lang ito umiikot sa pera, kundi tinutulungan tayo nito na mag-isip at makapadesisyon ng naaayon. Mas magiging palaisip at matalino tayo sa mga desisyon na gagawin natin. Pahalagahan ang pag-aaral dito dahil makakatulong ito sa ating paraan ng pamumuhay. Kaya kung isa kang mag-aaral patuloy lang ang pagkuha ng kaalaman dito upang tulungan rin ang iba na maging interesado sa ekonomiks.