👤

Pang abay na pamanahon



Sagot :

Answer:

PANG-ABAY NA PAMANAHON

Pang-abay na Pamanahon ay nagsasaad kung kailan naganap o magaganap ang kilos na taglay ng pandiwa. Mayroon itong tatlong uri: may pananda, walang pananda, at nagsasaad ng dalas.

May pananda: nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing, buhat, mula, umpisa, hanggang.

Halimbawa: Kailangan mo bang pumasok nang araw- araw? Tuwing pasko ay nagtitipon silang mag- anak. Umpisa bukas ay dito ka na manunuluyan

Walang pananda: kahapon, kanina, ngayon, mamaya, bukas, sandali,atb.

Halimbawa: Manonood kami bukas ng pambansang pagtatanghal ng dulang Pilipino. Ipagdiriwang ngayon ng ating pangulo ang kanyang ika-40 na kaarawan.

Nagsasaad ng dalas: araw-araw, tuwing umaga,taun-taon atb.

Halimbawa: Tuwing Mayo ay nagdaraos kami sa aming pook ng santakrusan. Nag-eehersiyo siya tuwing umaga upang mapanatili ang kanyangkalusugan.