👤

PAG-ISIPAN MO Panuto: Basahin ang tula sa ibaba.
TEKNOLOHIYA'T MEDIA: ATING SURIIN

Maraming kaalaman ang nakukuha sa paaralan, Sa tulong ng iba't ibang media to ay madadagdagan, Radyo, telebisyon at internet hindi pahuhuli 'yan, Magasin, komiks, diyaryo't meron pang iba diyan. Laging tandaan sa paggamit nito, Mabuting dulot palaging isapuso, Sapagkat kung ito ay iyong inabuso, Maraming makukuhang di-mabuting epekto. Malalaswang panoorin ay nagbabadya, Maling click ay pornograpiya ang makikita, Mararahas na apps at laro mahuhok ka sa isang iglap, Baka magulang mo ay hindi ka na mahagilap. Kaya ating pagyamanin, kaisipa'y palawakin, Teknolohiyat media ay biyaya sa atin, Mali at tama kailangan pagtimbangin Upang tamang impormasyon ay mapa sa atin.


Panuto: Sagutin ang mga tanong: 1. Tungkol saan ang tula na iyong binasa? 2. Anu-ano ang mga pinagkukunang impormasyong nabanggit sa tula?
3. Anu-ano ang mga mabuting dulot ng mga ito sa atin? Mga di-mabuting dulot?
4. Paano mo masasabi na ikaw ay nagiging mapanuri sa mga balitang naririnig sa radyo, telebisyon o nababasa mo sa pahayagan? Ipaliwanag.​


Sagot :

Answer:

1. tungkol sa kahalagahan ng teknolohiya

2. telebisyon, radyo, internet, magazine komiks..Yung iba tingnan mo nalang ulit sa tula hehe

3. Ang mabubuting dulot nito sa atin ay nakakapagbigay Ito ng ibat iBang mahahalagang impormasyon na kailangan nating malaman o mga impormasyon na nakakatulong sa atin upang makatuklas ng bagong kaalaman tungkol sa ating buhay o sa ating pag aaral. Ang Hindi mabuting dulot Naman nito ay maaaring makatuklas Tayo ng mga bagay na Hindi maganda o kayay hindi kaaya ayang mga gawi na makakaapekto sa ating pag uugali.

4. Sa pamamagitan ng panunuod ko ng telebisyon, pakikinig ko sa radyo, pagbabasa ko ng mga diyaryo, magasin komiks at iba pa, at Ang lagi Kong pag gamit ng internet, Kaya lagi akong nakakaoulot ng ibat ibang impormasyon Mula dito

Explanation:

according to my knowledge