Sagot :
Answer:
Ano ang CLIMATE CHANGE?
Ang climate change ay ang pagbabago ng klima o panahon dahil sa pagtaas ng mg greenhouse gases na nagpapainit sa mundo. Nagdudulot ito ng mga sakuna kagaya ng heatwave, baha at tagtuyot na maaaring magdulot ng pagkakasakit o pagkamatay. Kapag tumaas ang temperatura ng mundo, dadami ang mga sakit kagaya ng dengue, diarrhea, malnutrisyon at iba pa.
Sanhi ng CLIMATE CHANGE
Ayon sa pag-aaral, ang dalawang sanhi ng climate change ay ang:
1. Natural na pagbabago ng klima ng buong mundo nitong mga nagdaang matagal na panahon. Ito ay sama-samang epekto ng enerhiya mula sa araw, sa pag-ikot ng mundo, at sa init na nagmumula sa ilalim ng lupa na nagpapataas ng temperatura o init sa hangin na bumabalot sa mundo.
2. Mga gawain ng tao na nagbubunga ng pagdami o pagtaas ng carbon dioxide at iba pang greenhouse gases )GHGs). ANg GHGs ang nagkukulong ng init sa mundo. Ang pagbuga ng carbon dioxide ng mga sasakyang gumagamit ng gasolina, ang pagputol ng mga puno na siya sanang mag-aalis ng carbon dioxide sa hangin, at pagkabulok ng mga bagay na organic na nagbubunga ng methane (isa pang uri ng GHGs) ay ilan sa mga dahilan ng climate change.
Epektong Pangkalusugan ng CLIMATE CHANGE
Mga epekto sa tao ng matinding init, tagtuyot at bagyo.
Pagtaas ng bilang ng kaso ng mga sakit na:
- Dala ng tubig o pagkain tulad ng choler at iba pang sakit na may pagtatae.
- Dala ng insekto tulad ng lamok )malaria at dengue) at ng daga (Leptospirosis).
Dulot ng polusyon (allergy)
Malnutrisyon at epektong panglipunan dulot ng pagkasira ng mga komunidad at pangkabuhayan nito.
Video Presentation on Green for Health: Plant a Tree "Protecting Health from Climate Change"
Climate Change Policy Manual
Climate Change WHO Reference Manual
Climate Change Newsletter
Issue No. 1 Series of 2012
Issue No. 1 Series of 2013
Climate Change and Health Bulletin
Storm Surge
Issue No. 1 Series of 2014
Answer:
Climate change refers to long -term climate changes that have occurred over decades, centuries or longer. This is caused by the rapid increase of greenhouse gases in the Earth’s atmosphere due primarily to the burning of fossil fuels (e.g., coal, oil, and natural gas).
These heat-trapped gases heat the Earth and the Oceans resulting in rising sea levels, changes in storm patterns, altered ocean waves, changes in rainfall, melting snow and ice. , more severe heat, fire, and drought events. These effects are expected to continue and in some cases, intensify, affecting human health, infrastructure, forests, agriculture, freshwater supply, coastal, and marine systems.
Explanation: