👤

Ano ang kaugnayan ng pamumuhay ng mga sinaunang tao sa mundo sa ating pamumuhay ngayon

Sagot :

Answer:

Si lapu lapu

Thx me later

Answer:

Sa Panahong Paleolitiko, nabuhay ang mga sinaunang tao sa ating kapuluan sa pamamagitan ng pagpapalipat-lipat sa mga lugar na may makakalap na pagkain. Ang kanilang pebble tools ay nabubuo sa pamamagitan ng chipping o pagtatapyas ng mga bato, tulad ng mga batong-ilog (river stones), upang makuha ang matalim na bahagi ng mga ito. Bukod sa flint, gumamit din silang chert o volcanic glass, isang uri ng natunaw na bato dahil sa init ng bulkan. Ito ay may matalim na bahagi kung tinapyas. Bukod sa mga kagamitang bato, gumamit din ang mga sinaunang tao ng mga kagamitang gawa sa kahoy. Ang tahanan naman ng mga sinaunang tao sa ating kapuluan ay binubuo ng mga dahon na itinayo sa pamamagitan ng patpat. Ang halimbawa nito ay ang tirahan ng mga Dumagat sa silangang Luzon.bTumira rin ang ating mga ninuno sa mga yungib bilang permanente nilang tirahan. Nahukay sa yungib ng Callao sa Peñablanca, Cagayan ang pinakamatandang labi ng tao sa bansa. Tinatayang nabuhay ang taong ito 67,000–50,000 taon na ang nakalilipas. Ang ikalawang pinakamatandang labi ng sinaunang tao sa bansa ay ang nahukay na bahagi ng bungo at bagang ( jawbone) sa yungib ng Tabon sa Palawan, na tinatayang nabuhay 22,000 taon na ang nakalilipas.