👤

ano ang mga proseso sa pagsusulong ng paggamit ng wikang pambansa?​

Sagot :

Answer:

Nais ni Pangulong Quezon na magkaroon ng isang pambansang wika. Sa pamamagitan ng Pambansang Asemblea, itinatag ang Surian ng Wikang Pambansa. Pinag-aralan nito ang iba't ibang wika at diyalekto sa buong bansa. Pagkatapos ng masusing pag-aaral, inirekomenda ang Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa. Sa pamamagitan ng bagong pagsulong sa isang pambansang wika, binigyang-diin ni Pangulong Quezon ang halaga ng pagkakaisa, pagkakaunawaan at paagkakakilanlan sa mga Pilipino. Bagama't maraming tumututol, ang pasya ni Pangulong Quezon ay isang mahalagang hakbang tungo sa pagkakaroon ng mga Pilipino ng isang wikang maipapagmalaki. Ito rin ang nagsilbing simula upang suriin sa hinaharap ang halaga ng wika sa pagsulong ng kalayaan at pagkakaisa ng bansa. Noong Disyembre 30, 1937, ipinag-utos ni Pangulong Quezon na gamitin ang Tagalog bilang batayan ng pambansang wika ng Pilipinas. Noong 1940, nag-atas ang Pangulo ng pagtuturo ng wika sa mga pampubliko at pribadong paaralan. Hulyo 4, 1946 nang opisyal na idineklarang batayan ng wikang pambansa ang wikang Tagalog.