May ilang mga mamamayan lalo na ang mga may edad na at mga may iniindang karamdaman ang natatakot magpabakuna sa mga bakuna kontra Corona Virus tulad ng Sinopharm, Pfizer, CoronaVac o Sinovac, Covaxin, Johnson & Johnson, Moderna AstraZeneca, at Sputnik V. Ayon sa kanila ang mga bakunang ito ay hindi garantisado kung epektibo dahil hindi pa nasusubok kahit sa mga hayop. Sa atin pa ito susubukin kumbaga tayo ang magiging guinea pig. Higit sa lahat hindi rehistrado sa mga public health emergency tulad ng FDA Philippines. Ang mga ito ay kabilang sa tinatawag na Emergency Use Authorization o EUA. Ayon pa rin sa kanila, baka sa halip na humaba ang kanilang buhay ay lalo lamang itong iikli. Ano kaya ang posibleng reaksyon nila sakaling sila ay pilitin ng DOH?