👤

Isulat ang limang halagi ng islam at ang ibig sabihin o kahilugan nito.​

Sagot :

Nakasalig ang paniniwala at pananampalataya ng mga Muslim sa Limang Haligi ng Islam o Five Pillars of Islam. Ang mga ito ay ang:

1. Shahada - ito ang kanilang pananampalatayang walang ibang Diyos kundi si Allah at si Mohammed ang kaniyang propeta.

2. Salat - ang pananalangin ng limang beses sa maghapon ng bawat Muslim. Dapat manalangin ang bawat Muslim sa pagbubukang-liwayway, sa tanghaling tapat, sa gitna ng hapon, sa paglubog ng araw, at sa pagdating ng gabi.

3. Zakat - ang pagbibigay ng limos. Sila ay naniniwalang dapat ibahagi ang kanilang biyaya sa kapwa.

4. Saum - ang pag-aayuno sa buwan ng Ramadan na siyang ikasiyam na buwan ng kalendaryo ng mga Muslim. Ang pag-aayuno ay ang di pagkain o pag-inom sa buong maghapon, mula sa pagsikat hanggang sa paglubog ng araw.

5. Hajj - ang paglalakbay patungong Mecca, ang Banal na Lungsod ng mga Muslim minsan man lamang sa kanilang buhay.

Explanation:

hope it helps