Sagot :
Answer:
Bata palang tayo , sinasabi na ng ating mga magulang na mahalaga ang pag-aaral sa ating buhay. Bakit ito mahalaga? Ito ay dahil ,dito nakasalalay ang ating kaalaman at buhay dito sa mundo. Ito ang paraan para hindi tayo maging mangmang. Pag aaral lang ang tanging yaman at pamana ng ating mga magulang kaya naman dapat natin itong pahalagahan sa ating buhay.
Saan ba patungo itong ating pag-aaral? Patungo ito para magkaroon tayo ng magandang trabaho kapag tayo ay nakapagtapos. Kaya nga sinasabi ng ating mga magulang na mahalaga ang pag-aaral dahil magiging maganda at mabuti ang ating buhay kapag tayo ay makakapagtapos. Maaari tayong maging maunlad at matagumpay sa buhay. Mahirap man sa una ang pag -aaral dahil sa pagod , malaki naman ang maitutulong nito sa ating kinabukasan.
Explanation:
sana nakatulong!