GAWAIN 2 Panuto: Basahin at sagutan ang mga sumusunod na tanong. Ang Aral na Natutuhan ni Bubuwit Noon ay may isang mag-anak na daga na naninirahan sa garahe ng malaking bahay. Kaya lang, may alagang pusa ang mga bata sa bahay na yaon. Ngunit nakapaglalaro pa rin ang mga daga kapag wa- la ang pusa. Sisigaw naman agad ang isang daga ng "Nandiyan na si Muning! Nandiyan na si Muning!" Kapag dumarating na ang pusa, nagsisipagtago sa lungga ang mga daga hanggang sa umalis na muli ang pusa. Wala ni isa mang dagang mahuli si Muning. Isang araw, naisip ni Bubuwit, "Nakatatawang tingnan ang mga kapatid ko kapag kumakaripas ng takbo. Lolokohin ko sila." Habang naglalaro ang kanyang mga kapatid, bigla na lamang sumigaw si Bubuwit, "Nandiyan na si Muning! Nandi- yan na si Muning!" gayong hindi naman totoong dumarating ang pusa. Mabilis na nagtakbuhan ang mga daga sa lungga. "He, he, he," matinis na hagikhik ni Bubuwit. "Talagang nakatatawa sila. Napakasarap nilang lokohin." Subalit nang siya ay luminga-linga, namataan niya si Muning na papalapit na sa kanya. "Saklolo! Saklolo! Nandi- yan na si Muning!" Ngunit nakatago na ang kanyang mga ka- patid. padambang sinugod siya ni muning.paikot-ikot siya sa pagtakbo,habul-habol ng pusa.maabutan na sana siya. Buti na lang,pinalad siyang magkasya sa nakitang bitak sa pader. Gahibla na lamang ang kanilang agwat at tiyak na nasakmal siya ni Muning kung hindi siya kagyat na nakasuot sa bitak.
Mula ngayon,hindi ko na lolokohin ang aking mga kapatid,"ani Bubuwit.Muntik na akong mahuli ni Muning."
tagpuan:___ kailan?____ Saan?____ Mga pangunahing tauhan:____ banghay:pambungad na tagpo:______ anon ang ginagawa ng mga daga kapag wala si Muning?Ano ang isinisigaw ng isang daga kapag dumadarating ang pusa?)__________ (Ano ang balak gawin ni Bubuwit ?Bakit?)pagtatangka:______)Ano ang ginagawa ni Bubuwit habang nasa labas ang kanyang mga kapatid?)Resulta:____