👤

ano-ano ang mithiin na pinagmumulan ng pag-unlad​

Sagot :

Deskripsyon

Naging batayan ng K-12 Araling Panlipunan Kurikulum ang mithiin ng “Edukasyon para sa Lahat 2015” (Education for All 2015) at ang K-12 Philippine Basic

Education Curriculum Framework. Layon ng mga ito na magkaroon ng mga kakayahang kinakailangang sa siglo 21 upang makalinang ng “functionally literate and

developed Filipino.” Kaya naman, tiniyak na ang mga binuong nilalaman, pamantayang pangnilalalaman at pamantayan sa pagganap sa bawat baitang ay makapag-aambag

sa pagtatamo ng nasabing mithiin. Sa pag-abot ng nasabing mithiin, tunguhin (goal) ng K-12 Kurikulum ng Araling Panlipunan ang makahubog ng mamamayang mapanuri,

mapagmuni, mapanagutan, produktibo, makakalikasan, makabansa at makatao na may pambansa at pandaigdigang pananaw at pagpapahalaga sa mga usaping

pangkasaysayan at panlipunan.

Katuwang sa pagkamit ng layuning ito ay ang pagsunod sa teorya sa pagkatuto na kontruktibismo, magkatuwang na pagkatuto (collaborative learning), at

pagkatutong pangkaranasan at pangkonteksto at ang paggamit ng mga pamaraang tematiko-kronolohikal at paksain/ konseptuwal, pagsisiyat, intregratibo, interdesiplinaryo

at multisiplinaryo. Sa pagkamit ng nasabing adhikain, mithi ng kurikulum na mahubog ang pag-iisip (thinking), perpekstibo at pagpapahalagang pangkasaysayan at sa iba

pang disiplina ng araling panlipunan ng mag-aaral sa pamamagitan ng magkasabay na paglinang sa kanilang kaalaman at kasanayang pang-disiplina.

Mula sa unang baitang hanggang ika-labindalawang baitang, naka-angkla (anchor) ang mga paksain at pamantayang pang-nilalaman at pamantayan sa pagganap ng

bawat yunit sa pitong tema: I) tao, kapaligiran at lipunan 2)panahon, pagpapatuloy at pagbabago, 3) kutlura, pananagutan at pagkabansa, 4) karapatan, pananagutan at

pagkamamamayan 5) kapangyarihan, awtoridad at pamamahala, 6)produksyon, distibusyon at pagkonsumo 7) at ungnayang pangrehiyon at pangmundo Samantala, ang

kasanayan sa iba’t-ibang disiplina ng araling panlipunan tulad pagkamalikhain, mapanuring pag-iisip at matalinong pagpapasya , pagsasaliksik/ pagsisiyasat, kasanayang

pangkasaysayan at Araling Panlipunan, at pakikipagtalastasan at pagpapalawak ng pandaigdigan pananaw, ay kasabay na nalilinang ayon sa kinakailangang pag-unawa at

pagkatuto ng mag-aaral sa paraang expanding.

Sa ibang salita, layunin ng pagtuturo ng K-12 Araling Panlipunan na malinang sa mag-aaral ang pag-unawa sa mga pangunahing kaisipan at isyung pangkasaysayan,

pangheograpiya, pampulitika, ekonomiks at kaugnay na disiplinang panlipunan upang siya ay makaalam, makagawa, maging ganap at makipamuhay (Pillars of Learning).

Binibigyang diin sa kurikulum ang pag-unawa at hindi pagsasaulo ng mga konsepto at terminolohiya. Bilang pagpapatunay ng malalim na pag-unawa, ang mag-aaral ay

kinakailangang makabuo ng sariling kahulugan at pagpapakahulugan sa bawat paksang pinag-aaralan at ang pagsasalin nito sa ibang konteksto lalo na ang aplikasyon nito

sa tunay na buhay na may kabuluhan mismo sa kanya at sa lipunang kanyang ginagalawan.