👤

Panuto: Basahin at sagutan ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang
letra ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Bilang isang kabataan, ano ang maaari mong gawain upang
masolusyonan ang mga suliraning pangkapaligiran na kinakaharap ng ating
bansa?
a. Hikayatin ang mga mamamayan na pangalagaan ang ating likas
na yaman at maging aktibo sa mga programa na isinasagawa ng
pamahalaan para sa pangangalaga sa likas na yaman.
b. Makikipagtulungan sa mga illegal na gawain
c. Patuloy na pagputol sa mga punong kahoy.
d. Patuloy na pagtapon ng basura sa dagat at ilog.

2. Ang komersiyal na pagtotroso, pagkakaingin, pagpuputol ng punong
kahoy at pagkasunog ng gubat ay isa sa mga dahilan ng pagkasira ng
kagutaban, ano ang nagiging dahilan ng mga mamamayan upang magawa
ang ganitong gawain?
a. Dahil sa sariling interes
b. Dahil sa mataas na halaga ang kapalit
c. Dahil na rin sa kahirapan at kawalan ng trabaho ng mga
mamamayan.
d. Dahil na rin sa panghihikayat ng iba at malaki ang kita.

3. Ang tahasang pagkasira ng kagubatan ay isa sa mga kritikal na
problemang pangkapaligiran, alin sa sumusunod na pahayag ang
masamang epekto nito?
I. Mawawalan ng tirahan ang mga hayop na nakatira sa kagubatan.
II. Maraming mga species ng halaman at mga hayop ang manganganib
III. Masamang dulot sa natural ecosystem
IV. Marami ang maaapektohang hayop
a. I, II & III
b. I, II, III & IV
c. I, II & IV
d.I, II & IV

4. Anong mga problema ang kinakaharap sa patuloy na pagkakalbo sa
kagubatan?
I. Pagbaha
II. Pagguho ng Lupa
III. Erosyon sa Lupa
IV. Siltasyon
a. I, II, & III
b. II, III, & IV
c. I, III, & IV
d. I, II, III, & IV

5. Alin sa sumusunod na bansa sa asya ang nangunguna pagdating sa
deforestation?
a. China, Bangladesh, Pilipinas at Pakistan
b. Bangladesh, Indonesia, Pakistan at Pilipinas
c. Pilipinas, Japan, Bangladesh at Pakistan
d. Malaysia, Pilipinas, Pakistan at Indonesia

6. Anong bansa sa Asya ang may malubhang problema ng salinization?
a. Pilipinas
b. Japan
c. Bangladesh
d. Malaysia

7. Alin sa sumusunod ang nagiging dahilan sa pagkasira ng lupa?
a. Ang pagkatuyo ng mga lupa
b. Pagguho ng lupa
c. Pagdami ng punong kahoy
d. Pagtaba ng lupa

8. Ano ang matinding suliranin ang kakaharapin kapag patuloy ang
pagkasira ng lupa?
a. Maaring magdulot ng kakulangan sa pagkain at panganib sa
kalusugan
b. maaring magdulot ng kakulangan sa pangangailangan
c. Maaring magdulot ng kawalan ng hanap-buhay ang mga
mamamayan
d. Pagkakaroon ng di inaasahang sakuna

9. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa mga suliraning kinakaharap ng
Asya?
a. Pagkasira ng lupa
b. Pagkawala ng biodiversity
c. Urbanisasyon
d. Pangangalaga sa likas na yaman

10.Bakit mahalaga ang papel na ginagampanan ng lupa sa buhay ng tao?
a. Dahil ang mga produktong galing sa lupa ang bumubuhay sa tao
upang matugunan ang kanilang pangangailangan.
b. Dahil kailangan ng tao ang lupa upang matustusan ang kanilang
mga sariling hangarin.
c. Dahil sa mga pangangailangan na dapat matugunan
d. Dahil kailangan upang mabuhay ang tao ayon sa kanilang interes
sa buhay

11.Paano maiiwasan ang problemang kinakaharap ng urbanisasyon sa
bawat bansa sa Asya?
a. Pagpapaalis sa mga tao sa mga lunsod
b. Pagsasagawa ng mga programa para sa mga mamamayan upang
mabigyan ng kabuhayan at upang malutas ang kahirapan
c. Paghikayat sa mga tao na lumipat sa ibang lugar upang umalis sa
mga lunsod.
d. Patuloy na pagtaas ng populasyon.

12.Sa patuloy na pagtaas ng urbanisasyon sa bawat bansa sino ang lubos
na deriktang naaapektuhan?
I.Ang pamahalaan ng bawat bansa
II.Kalusugan ng mamamayan ang lubos na maaapektuhan
III.pagdami ng mga mahihirap
IV.pagdami ng negosyon sa bawat lugar
a. I & II
b. II & III
c. III & IV
d. I & IV

13.Alin sa sumusunod ang dahilan sa pagkawala ng biodiversity ng Asya?
a. Patuloy na pagtaas ng populasyon
b. Walang habas na pagkuha at paggamit ng mga likas na yaman
c. Pag-aabuso sa lupa at pagkakalbo ng kagubatan
d. Lahat ng nabanggit

14.Anong kontinente ang itinuturing na isa sa may pinakamayamang
biodiversity sa buong mundo?
a. Europe
b. Asya
c. Africa
d.Antarctica

15.Ang patuloy na pagtaas ng populasyon ang isa sa mga problemang
kinakaharap ng bawat bansa sa Asya, sa iyong palagay, ano ang maaring
maging solusyon sa nasabing pahagay?
a. Kailangang mabigyan ng kaalaman ang mga mamamayan sa
patuloy na pagtaas ng populasyon.
b. Magsagawa ng mga hakbang o programa upang makontrol ang
patuloy na pagtaas ng populasyon.
c. Kailangang magtulungan ang mga mamamayan
d. Kailangang maging aktibo sa mga gawain na binibigay ng
pamahalaan.