👤

ano ang kakayahan o katangian sa paggamit ng konotatibo at denotatibong pangkahulugan ?

Sagot :

Answer:

DENOTATIBO AT KONOTATIBO – Sa paksang ito, tatalkayin natin ang iba’t-ibang halimbawa ng denotatibo at konotatibong mga salita.

Ang denotatibong     mga salita ay ang literal na kahulugan nito at makikita

                                     sa diksyonaryo.

Samantala, ang konotatibo naman ay salitang may patago na kahulugan.

Heto ang mga halimbawa:

Ahas

Apoy

Haligi

Larawan

Leon

Putik

Bato

Mahangin

Malalim

Makitid

Salita Denotatibo

AHAS Isang uri ng hayop na walang paa at gumagapang.

APOY Isang elementong mainit at ginagamit upang mag luto o

sa industriya.

HALIGI Ito ang tinatawag nag sisilbing pundasyon ng mga bahay

at gusali.

Larawan Ito ay isang litrato na kinuha o ginuhit ng isang tao.

Leon Isang hayop na makikita sa kagubatan, malakas at malaki.

Putik Marumi at basang lupa na iniiwasan ng mga taong may

puting sapatos.

Bato Isang natural na bagay na makikita kahit saan.

Mahangin Ito ay sitwasyon kung saan malakas ang ihip ng hangin

Malalim Tumutukoy sa kung ano ka lalim ang isang bagay

Makitid Naglalarwan sa isang masikip na daanan o espasyo

Salita Konotatibo

AHAS Taong binigyan mo ng tiwala ngunit ika’y trinaidor.

APOY Naglalarawan sa matinding damdamin tungo sa isang tao,

bagay, o pangyayari.

HALIGI Naglalarawan ito sa mga Ama ng tahanan.

Larawan Tumutukoy sa katangian ng isang tao.

Leon Ito ay naglalarawan sa taong matapang at walang

                            inuurungan.

Putik Mga mahihirap at naghihikahos sa buhay. Sila rin ay

                             tinawatawag na hampas lupa.

Bato Naglalarawan sa mga taong may matitigas na damdamin.

Mahangin Tawag sa taong mayabang at malaki ang ulo.

Malalim Ito ay naglararawan sa taong maraming iniisip tungkol sa

                             mga problema ng lipunan.

Makitid Ito ang tawag sa taong hindi “open minded”. Sila rin ang

                             mga taong madaling mang husga.    

HOPE IT HELP