👤

Ano ang tatlong panauhan ng panghalip panao?
need it now please nonsense answer REPORT ㏒㏑


Sagot :

Answer:

Explanation:

Unang Panauhan- Pinapalitan nito ang tao na nagsasalita.

Halimbawa: Akin na lang itong mangga.

Ako ay bibili ng aklat na isinulat ni Dr. Jose Rizal.

Hiniram ko ang walis-tingting.

2.Ikalawang Panauhan - Pinapalitan nito ang taong kinakausap.

Halimbawa: Ikaw ay maaaring pumunta sa health center upang magpabakuna.

Nasa inyo ho ba ang mga papeles na kailangan ni Gng. Baltazar?

Maghanda na kayo dahil darating na ang bisita.

3. Ikatlong Panauhan-Pinapalitan nito ang taong pinag-uusapan.

Halimbawa: Sa kanya ibinigay ang mga biniling buko ni nanay.

Kumanta sila sa isang patimpalak,

Binenta niya ang mga puto na kanyang ginawa.