Sagot :
Answer:
Ang SANAYSAY ay isang salitang marami ang kahulugan. Ito ay isang bahagi ng Panitikang Pilipino na nakatutulong sa atin na maipahag ang ating opinyon. Isang simpleng sulatin na pwedeng gumising sa mga tao tungkol sa isang particular na isyu sa atin ngayon.
Ang EDITORYAL ay ang pangunahing tudling ng kuru-kuro ng isang pahayagan. Kumakatawan ito sa sama-samang paninindigan ng patnugutan ng pahayagan kaya sinasabing kaluluwa ito ng publikasyon. Layunin nito sa pagbibigay ng kuru-kuro ang magpabatid, magpakahulugan, magbigay-puna, magbigay-puri, manlibang at magpahalaga sa natatanging araw. Itinutuwid ng editoryal ang mga maling palagay o paniniwala at pagkalito ng tao sa isang isyu. Nagbibigay-pakahulugan din ang isang editoryal sa balita o kaganapan upang bigyang-linaw sa kahuluguhan ng pangyayari.
Explanation: