Sagot :
- Epekto ng pandemya sa akin. Simula ng pandemya maraming mga bagay na ang nangyari. Kagaya na lamang ng hindi na tayo makaalis ng bahay na walang pangamba. Hindi na ako nakakaalis na kagaya dati na kung saan gusto ko pumunta ay mapupuntahan ko. At higit sa lahat ang pagbabago ng sistema sa aking pag-aaral. Nakakalungkot na isipin hindi na natin nakakasama ang ating mga kaibigan at mga kaklase. Nawawala ang saya at thrill sa bawat sa araw dahil palagi na lang tayong nasa bahay.
- Sa aking pamilya, malaki ang epekto ng pandemya. Hirap magbukas ang aming negosyo dahil bawal ang maraming tao. Nawalan din ng trabaho ang mga magulang ko. Higit sa lahat ay ang pangambang dala nito sa kanila. Sa bawat paglabas ay nakakatakot sila na baka sila ay mahawaan ng sakit at maihawa sa amin.
Explanation:
Ang haba po peo kayo na pong bahala kung ishoshort niyo na lang. Sana po makatulong.