👤

C. Limang (5) Pananagutan ng Mamimili

Sagot :

Answer:

LIMANG PANANAGUTAN NG MGA MAMIMILI

Ang Kagawaran ng Kalakalan at Industriya ay nagpalaganap rin ng limang pananagutan ng mga mamimili. Ang sumusunod ay ang mga pananagutang binabanggit:

1. Mapanuring Kamalayan- ang tungkuling maging listo at mausisa tungkol sa kung ano ang gamit, halaga, at kalidad ng mga paninda at paglilingkod na ating ginagamit.

2. Pagkilos- ang tungkuling maipahayag ang ating sarili at kumilos upang makatiyak sa makatarungang pakikitungo. Kung tayo'y mananatili sa pagwawalang-bahala, patuloy tayong pagsasamantalahan ng mga mandarayang mangangalakal.

3. Pagmamalasakit na Panlipunan- ang tungkuling alamin kung ano ang ibubunga ng ating pagkonsumo ng mga kalakal at serbisyo sa ibang mamamayan, lalong-lalo na ang pangkat ng maliliit o walang kapangyarihan, maging ito ay sa lokal, pambansa, o pandaigdig na komunidad.

4. Kamalayan sa Kapaligiran- ang tungkuling mabatid ang kahihinatnan ng ating kapaligiran bunga ng hindi wastong pagkonsumo. Kailangang pangalagaan natin ang ating likas na kayamanan para sa ating kinabukasan.

5. Pagkakaisa- ang tungkuling magtatag ng samahang mamimili upang magkaroon ng lakas at kapangyarihang maitaguyod at mapangalagaan ang ating kapakanan.