👤

Nangunguna sa pagkakatatag ng relihiyon islam at pamahalaang sultano sa mindanao

Sagot :

Answer:

Ang pagdating at pagpapalaganap ng Islam sa Mindanao ay itinuturo kay Sharif Kabungsuwan na dumating sa Maguindinao noong 1515 mula Johor.[2] Siya ay iniulat na anak ng prinsesang Malaccan at Arabong Sharif Ali Zain ul-Abidin at dumating kasama ng kanyang mga mandirigma upang magtatag ng isang prinsipiladidad. Siya ay nagtatag ng mga alyansa sa pamamagitan ng maraming mga kasal. Kanyang sinakop at inakay ang mga pinuno at tribo sa Cotabato. Ang mga tribong hindi nagawang maakay ni Kabungsuwan sa pamamagitan ng paghihikayat o dahas ay itinulak sa mga bangin. Ang mga tribong hindi naakay sa Islam ang mga Lumad.

Ang ibang tradisyon ay nagsasaad na bago pa ang pagdating ni Kabungsuwan ay may isang Sharif Awliya na nagpakilala ng Islam sa pook na hindi kalayuan sa Cotabato. Si Awliya ay nagpakasal sa isang dalagang galing sa langit na nagkaanank ng babaeng tinawag na paramisuli o prinsesa. Si Awliya ay bumalik sa kanyang pinanggalingan ngunit iniwan ang kanyang anak. Ang isa pang tradisyon ay ang pagdating ng isang Sharif Maraja sa Maguindano mula Johor at nagpakasal kay paramisuli.

Explanation:

Pabrainliest pleasee